Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay DPAO Chief Army Capt. Rigor Pamittan, naganap ang sagupaan matapos ibunyag ng isang mataas na opisyal ng CPP-NPA Terrorists ang presensya ng mga ito na kabilang sa Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley sa nasabing lugar.
Ani Pamittan, habang bineberipika ng tropa ng militar ang impormasyon sa lugar ay naunang nagpaputok ang mga rebeldeng grupo laban sa kanila na humantong sa nangyaring bakbakan.
Sa inisyal na datos, nasa 40 miyembro ng rebeldeng grupo ang nakasagupa ng kasundaluhan.
Nagbigay naman ng close air at fire support ang Philippine Air Force sa paligid ng pinangyarihan ng bakbakan kaya’t maswerteng walang naiulat na sugatan sa hanay ng kasundaluhan.
Patuloy pa rin ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga miyembro ng makakaliwang grupo habang inaalam rin kung may sugatan sa pwersa ng rebeldeng grupo.