Cauayan City, Isabela- Nadagdagan ng 40 na panibagong kaso ng COVID-19 ang dating 766 na kabuuang kaso na naitala sa buong Region 02.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH 2, pumalo na sa 806 ang total cases ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan kung saan nasa 253 ang active cases at nasa 545 naman ang mga nakarekober.
Nanatili naman sa 8 ang naitalang casualty sa Rehiyon.
Ayon pa sa ulat ng DOH 2, tinatayang nasa 2,400 ang suspected cases habang nasa apat (4) ang probable na binababantayan sa Region 02.
Hanggang ngayon ay COVID-19 free pa rin ang Lalawigan ng Batanes.
Facebook Comments