40 na lugar sa bansa, inaasahang makakaranas ng delikadong lebel ng heat index bukas- PAGASA-DOST

Posibleng makaranas pa rin ng delikadong antas ng heat index o damang init ang halos buong bansa bukas.

Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, nasa 40 na lugar ang inaasahang makakapagtala ng 42°C hanggang 46°C na damang init kabilang na ang Dagupan City, Pangasinan at Pili, Camarines Sur na makakaranas ng 46°C.

Habang 45°C sa Bacnotan, La Union; Aparri, Cagayan; Virac, Catanduanes; Roxas City, Capiz; Iloilo City; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar; Guiuan, Eastern Samar at Butuan City.


Nasa 44°C naman ang posibleng maramdaman sa Tuguegarao City, Cagayan; Echague, Isabela; Iba, Zambales; San Jose, Occidental Mindoro at Cuyo, Palawan

Habang matinding init din ang mararanasan sa Sinait, Ilocos Sur; Batac, Ilocos Norte; Casiguran, Aurora; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; Legazpi City, Albay; Tacloban City, Leyte; Borongan, Eastern Samar at Dipolog, Zamboanga del Norte.

Gayundin sa Laoag City, Ilocos Norte; Clark Airport, Pampanga; Baler, Aurora; Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan Batangas; Coron, Palawan; Masbate City; Mambusao, Capiz; Siquijor; Catbalogan, Samar; Baybay, Leyte; Maasin, Southern Leyte; Zamboanga City at Surigao City.

Facebook Comments