Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni Magdalo Party list Rep. Gary Alejano sa gobyerno ang mga barangay officials na sinasabing sangkot sa iligal na droga.
Giit ni Alejano, kung tinatayang 40% ng mga barangay officials ay sabit sa iligal na droga, dapat noon pa ay sinuspinde at sinampahan na ng kaso ang mga ito.
Bukod dito, kung may listahan talaga ang Duterte administration ay tukoy na dapat kung sino o ano ang mga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa drugs pero sa nangyayari ay walang napaparusahan kaya lalabas na estimate lang ang 40% na mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga.
Gasgas na rin aniya ang palagi na lamang dahilan ng postponement ng halalang pambarangay na para linisin ito sa mga narco-politicians.
Tutol rin ang Magnificent 7 sa pagpapaliban ng Barangay at SK Election sa May 2018 na layong isabay sa plebesito ng chacha o BBL.
Bagamat natalo sa botohan kahapon sa caucus ng Kamara kahapon, sinabi ni Alejano na hindi pa ito pinal dahil hindi pa nagdedesisyon ang Senado tungkol dito.