40 pamilya, nawalan ng tahanan sa nangyaring sunog sa Culiat, Quezon City

27

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection National Capital Region (NCR) na 40 mga pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa ikatlong palapag na bahay sa No. 3 Lower Forestry, Brgy. Culiat, Quezon City.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Sarah Jean Sahuda.


Hindi bababa sa 20 bahay ang natupoy ng apoy.

Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog bagamat nag-iwan ito ng pinsala na nagkakahalaga ng P100,000.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog.

Facebook Comments