40 pamilya, nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Tondo, Maynila

Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na maganap ang sunog sa may bahagi ng Dagupan Ext., Raxabago St., Tondo Maynila.

Nagsimula ang sunog alas-4:23 ng umaga sa bahay ng isang Reynaldo Liwanag na umabot ng ikatlong alarma at tuluyang naapula makalipas ang isang oras.

Nasa 20 bahay ang nasunog habang nasa P100,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok.


Wala naman nasawi o nasaktan sa nangyaring insidente kung saan patuloy ang imbestigasyon para malaman ang pinagmulan ng apoy.

Kwento naman ng ilang residente na posibleng napabayaang kandila ang dahilan lalo na’t walang kuryente sa nasabing lugar.

Facebook Comments