40 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa ilang araw na pag-iral ng GCQ sa Cavite; mga mall sa lalawigan, ipasasara muli!

Ipinag-utos ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang muling pagpapasara sa lahat ng mga mall sa lalawigan.

Ito ay makaraang bigong maipatupad ng pamunuan ng mga mall ang social distancing.

Ayon kay Remulla, mananatili ring sarado ang mga supermarket at drug store sa loob ng mall hanggang sa makapagbigay ng plano ukol sa pagpapatupad nito.


Nakiusap din ang gobernador sa mga manggagawa sa Cavite na huwag abusuhin ang paggamit ng kanilang company I.D. para lang makagala sa mga mall.

Nabatid na ilang araw lang mula nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Cavite, 40 panibagong kaso ng COVID-19 ang agad na naitala sa lalawigan.

Kaya mula 239 noong May 13 ay sumampa na ito sa 275 kahapon.

Samantala, ang kautusan ay ipinalabas sa pamamagitan ng Executive Order na sinang-ayunan ng mga alkalde sa Cavite.

Facebook Comments