Umabot sa 40 katao ang patay matapos matabunan dahil sa gumuhong minahan ng ginto sa Northern Afghanistan.
Ang minahan ay matatagpuan sa Kohestan District sa Badkhshan Province.
Sa ulat, nangyari ang insidente habang nagtatrabaho ang mga biktima.
Karamihan sa mga biktima ay pawang mga minero.
Nasa 10 ang sugatan sa insidente.
Iniimbestigahan na ang pagguho ng lupa.
Facebook Comments