40 Pinoy seafarers na nawalan ng trabaho matapos ang sinasabing paglabas ng US Immigration Policy, pinulong ni Sec. Cacdac

Pinulong ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang 40 Filipino seafarers na nawalan ng trabaho dahil sa akusasyong paglabag sa US Immigration policy.

Sa nasabing pulong, tiniyak sa kanila ni Cacdac na aaksyunan ng DMW ang mga isyung idinulog ng Pinoy seafarers gayundi ang kahilingan nilang assistance.

Nagtutulungan na rin aniya ang DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa legal support at employment facilitation services sa mga tripulanteng Pinoy.

Agad din na nabigyan ng financial assistance ang Pinoy seafarers.

Bukod pa ito sa Reintegration assistance tulad ng upskilling, sa pamamagitan ng trainings para sa kanilang susunod na trabaho sa loob man o sa labas ng bansa.

Facebook Comments