40 PNP personnel, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

May panibagong 40 na Philippine National Police (PNP) personnel ang naging infected ng COVID-19.

Batay ito sa ulat kahapon ng PNP Health Service, kaya naman umabot na sa 8,793 ang COVID cases sa Pambansang Pulisya.

Sa bilang na ito, 323 ang active cases.


Pero magandang balita dahil kahapon ay mayroong 28 na PNP personnel ang gumaling sa COVID-19 kaya mayroon nang 8,443 recoveries sa PNP.

Nananatili naman sa 27 ang nasawing tauhan ng PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments