40 Public Utility Buses na may ruta sa Mindanao, magbabalik-operasyon na bukas

Aabot sa 40 Public Utility Buses (PUB) ang magbabalik-operasyon na sa ilang ruta sa Mindanao, simula bukas, December 27.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang sa mga ito ang mga rutang;

• Cagayan de Oro City – Tacurong, Sultan Kudarat
• Davao City – Arakan, North Cotabato
• Davao City – Kidapawan City


Ang inilabas na pahayag ng LTRFB ay kasunod ng pagbabalik-operasyon ng 440 provincial buses sa Luzon kung saan nasa 1,600 buses na ang bumibiyahe.

Patuloy namang pinaalalahanan ng LTFRB ang mga drivers at operators na mahigpit na ipatupad ang health safety protocols kung saan kabilang ang pagsusuot ng face masks, face shield, one seat-apart rule, walang mag-uusap, kakain at sasagot ng tawag sa cellphone.

Facebook Comments