40 mula sa 45 na lalawigan sa bansa ang nais na maging pangulo ng bansa si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., batay sa pinakahuling Kalye Surveys na inilabas noong Sabado.
Sa latest Kalye Survey summaries na iprinisinta ng SPLAT Communications, nakakuha si Marcos ng majority preference shares o top preference shares na 40 mula sa 45 provinces nationwide.
Mayroong 150,063 respondents as of April 20 sa Kalye Surveys na isinagawa sa 51 na lalawigan subalit hinihintay pa ng SPLAT ang datos mula sa anim na probinsya na kinabibilangan ng Antique, Basilan, Batanes, Camiguin, Dinagat Islands, at Guimaras.
Ang Kalye Survey summaries ay iprinisintta sa pamamagitan ng 3 episodes, kung saan sa first episode ay top choice si Marcos ng 13 mula sa 14 na lalawigan habang pangalawa sa nag-iisang lalawigan kung saa hindi siya ang top choice.
Nanguna si Marcos sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Aklan, Aurora, Abra, Apayao, Bataan, Bulacan, Batangas, Bohol, Bukidnon, Biliran, at Benguet.
Sa ikalawang bahagi ng series of videos, mayroong 15 na lalawigan subalit hindi pa natatanggap ang data mula sa Camiguin at Dinagat Islands.
Nakuha ni Marcos ang majority o top preference shares na 9 mula sa 13 probinsya na available na ang data.
Pinakamataas ang preference shares niya sa Cagayan, kung saan nakakuha siya ng 96 percent.
Nakuha ng presidential frontrunner ang mga sumusunod na scores sa ibang lalawigan: Capiz, 41 percent; Cavite, 61 percent; Cebu, 48 percent; Cotabato, 55 percent; Davao Del Oro, 48 percent; Davao Del Norte, 69 percent; Davao Del Sur, 66 percent; at Davao Oriental, 55 percent.