Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang mga senatorial candidates ang binigyang babala ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na campaign materials.
Nabatid na nasa 62 ang tumatakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – anim na kandidato pa ang nadagdag sa orihinal na listahan ng 34 na kandidato na may illegal posters at campaign materials.
Inutusan na ng poll body ang mga ito na tanggalin ang mga unlawful campaign materials.
Binigyang diin pa ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang mga kandidatong nakitaang lumabag sa campaign rules ay binigyan ng pagkakataong makapag-comply.
Babala ni Jimenez na papatawan ng kaukulang hakbang ang mga kandidatong bigong tanggalin ang mga illegal campaign materials nito.
Nanawagan din ang poll body sa lahat ng government agencies at pampublikong paaralan na iwasang mag-imbita ng mga kandidato bilang kanilang guest speakers.