40% soft supporters, kukumbinsihin ni presidential aspirant Senador Ping Lacson na magtiwala sa kaniya

Kukumbinsihin nina presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang 40% na soft supporters o ‘yung mga nagsasabi na gusto nila ng kwalipikadong kandidato sa pagkapangulo subalit nanghihinayang sila na masayang ang kanilang mga boto.

Ayon kay Lacson, nakakuha siya ng kopya ng resulta ng survey na sinasabing 2% lamang ang solido o naniniwala sa kaniyang programa at plataporma o ng hard supporters ng ibang kandidato.

Paliwanag ni Lacson na may malaki aniyang porsyento ng mga botante na umaabot sa 40% ang gusto at naniniwala sa kwalipikadong kandidato sa pagkapangulo subalit umaatras dahil baka masayang lamang ang kanilang boto.


Binigyang diin pa ni Lacson na huwag isipin ng mga botante na masasayang lamang ang kanilang boto sa pinaniniwalaan nilang karapat-dapat.

Aniya, dapat na i-exercise ng mga botante ang kanilang karapatan na iboto ang tamang leader.

Sa huli, umaasa si Lacson sa natitirang 40 araw bago ang halalan, kaniyang makukumbinsi ang sinasabing 40% soft supporters na manindigan na iboto ang kanilang pinaniniwalaang kwalipikadong kandidato sa pagkapangulo na may magagawa para maayos ang gobyerno at maayos ang buhay ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments