40 terorista, namo-monitor ng mga intel agent sa Mindanao

Apatnapung terorista sa rehiyon ng Mindanao ang mino-monitor ngayon ng intelligence sector ng gobyerno.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana – nagkalat sa Central Mindanao at Basilan.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang nationality ng mga nasabing terorista na aniya’y nagtuturo sa mga local terrorist kung paano gumawa ng bomba.


Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang massive military operations laban sa Abu Sayyaf Group at iba pang local terrorist cell matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral sa Sulu.

Facebook Comments