40 WANTED PERSON SA REGION 1, ARESTADO SA LOOB NG ISANG LINGGO

Naaresto ang 40 wanted persons sa Ilocos Region sa sunod-sunod na manhunt operation na isinagawa ng Police Regional Office 1 (PRO 1) mula Nobyembre 13 hanggang 19, 2025.

Kabilang dito ang isang Provincial Level Most Wanted Person, dalawang Municipal Level Most Wanted Persons, at 37 pang indibidwal na may iba’t ibang kaso.

Binigyang-diin ng tanggapan ang koordinasyon ng bawat himpilan upang mapabilis ang pag-aresto sa mga akusado.

Tiniyak naman ni Regional Director PBGEN Dindo Reyes ang mandato ng pulisya sa pagpapatupad ng batas upang malabanan ang kriminalidad para sa kaayusan sa buong rehiyon.

Facebook Comments