400 government websites, lantad sa hacking -DICT

Tila naghugas-kamay ang Department of Information and Communications Technology o DICT sa hacking incidents sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ito’y matapos igiit ni DICT Secretary Ivan John Uy na kung sinu-sino na lang ang gumawa ng 400 government websites at aniya’y wala pa sila o ang kanilang ahensya ay nag-e-exist na ang mga ito.

Ginawa ni Uy ang pahayag matapos ang ilang insidente ng hacking sa websites ng ilang sangay ng pamahalaan.


Sa Pre-SONA briefing, isiniwalat ni Uy na maraming mga ahensya ng gobyerno ang gumawa ng website na tila hindi man lang isinaalang-alang ang cybersecurity.

Basta lang aniya nagpapagawa ng websites kaya nakokompromiso at madaling napapasok ng mga hacker ang mga ito.

Facebook Comments