400 KILONG MGA NABUBULOK NA BANGUS SA ISANG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, KUMPISKADO

Nakumpiska ng Dagupan City Agriculture Office ang nasa apat na raan o 400 na kilo ng nabubulok ng mga bangus sa Magsaysay Fish Market sa lungsod.
Nasa sampung kahon ang nasabat ng CAO sa pakikipagtulungan nito sa sangay ng mga City Health Office at Task Force Anti-Littering.
Naidispose naman ang nahuling mga nabubulok na bangus at una na rin itong naireport sa himpilan ng kapulisan.

Matatandaan na naging pasanin din ng ilang mga bangus growers sa Dagupan ang pagpapalaki at paghaharvest ng bangus dahilan ang nagdaang sama ng panahon na nagdulot din ng pagsirit nito sa presyo.
Samantala, kaugnay dito ay regular ang isinasagawang inspeksyon sa mga pampublikong pamilihan ng mga awtoridad upang mamonitor ang mga inilalakong mga produkto, kung sumusunod ba ang bawat vendor sa itinakdang patakaran at matiyak ang kaligtasan ng mga consumers sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments