Nakatangap ng tig-isang libong halaga ng groceries mula sa Metrobank Foundation, Inc., at GT Foundation, Inc., ang 400 mga frontliners ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Habang may 17,600 na mahihirap na pamilya rin sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang nakatanggap ng groceries.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, nagpapasalamat sila dahil sa ganitong panahong may pandemya na-appreciate ang kanilang mga ginagawa sa pamamagitan ng mga tulong mula sa private sectors gaya ng Metrobank Foundation.
Nakakatulong aniya na mas ganahan silang tuparin ang kanilang misyon para sa bayan.
Ang pamimigay ng groceries ay tinawag na “Bags of Blessings” na ginagawa nationwide mula pa noong taong 2015 kung saan ay prayoridad ang mga mahihirap na pamilya.
Pero, ngayong taon, isinama ang ilang AFP frontliners para maiparating ang pasasalamat sa kanila sa patuloy na pagseserbisyo.