400 million dollar loan para sa COVID-19 response ng bansa, aprubado na ng Asian Development Bank

Inaprubahan na ng Asian Development Bank ang panibagong loan ng Pilipinas na nagkakahalaga ng 400 million US dollars.

Ito ay gagamitin para mapabuti ang COVID-19 response ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Sa ilalim ng Local Governance Reform Program Subprogram 2, matutulungan nito ang mga LGUs mapabuti ang paraan ng paggastos ngayong panahon ng pandemya.


Matatandaang noong 2019 ay umutang ang Pilipinas sa ADB para matulungan ang gobyerno na gumawa ng legal at institutional framework para sa local revenues ng bansa.

Facebook Comments