DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Namahagi ang pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng aabot sa tatlong libong piso (P3,000) para sa apatnaraang (400) qualified OFWs na may active OWWA membership.
Nagpasalamat naman ang alkalde ng lungsod sa pamunuan ng OWWA Region 1 Director Gerardo Rimorin para sa paggabay at pagbibigay ng calamity assistance sa mga OFW mula sa lungsod.
Giit nito na malaki ang magiging tulong ito para sa lahat na patuloy na dumadaan pa rin sa pandemya.
Ang mga benepisyaryo para sa calamity assistance ay dumaan sa evaluation at inaprubahan sa pangunguna ng OWWA regional office. | ifmnews
Facebook Comments