Tinatayang nasa 400 residente mula sa Tinglayan, Kalinga ang nakatanggap ng iba’t ibang tulong medikal mula sa isinagawang outreach program na inilunsad ng Kalinga Police sa nasabing bayan.
Ilan sa mga tulong na iniabot sa nasabing aktibidad ay libreng check-up, libreng gamot, libreng bunot sa ngipin, libreng tuli, libreng gupit, at libreng masahe.
Ang aktibidad ay isinagawa kasabay ng ika-4 na anibersaryo ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company at anibersaryo ng Pista ni St. Francis of Assisi sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa Kalinga Police, ang matagumpay na aktibidad ay isang malinaw na pagpapakita ng Revitalized Kasimbayanan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) ng PNP.
Ang Kasimbayanan ay isang community mobilization program na nagtatampok sa pagtutulungan ng PNP at ng pangkalahatang publiko tungo sa layunin na makamit ang pagbabago.
Facebook Comments