400 sundalo mula sa AFP, nagsisilbing seguridad ni VP Sara

Sapat pa rin ang security detail ni Vice President Sara Duterte Carpio.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Francel Margareth Padilla makaraang ilipat kamakailan sa National Capital Region Police Office ang nasa 75 tauhan ng Police Security and Protection Group na dating naka-assign para sa pagbibigay seguridad kay VP Duterte.

Ayon kay Col. Padilla, ang nasabing 400 na security detail ay mula pa lamang sa hanay ng Sandatahang Lakas at magdedepende pa aniya ang deployment ng mga ito base sa aktibidad na dadaluhan ng Pangalawang Pangulo.


Hindi naman aniya ito maituturing na ‘O.A’ lalo pa’t pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan si VP Sara.

Facebook Comments