400 WIFI TOWERS ITATAYO SA QUIRINO PROVINCE

Plano ng administrasyon ni Governor Dax Cua na gawing “Tech Hub” ang Quirino sa pamamagitan ng pagpapatayo ng nasa 400 WiFi towers sa lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Quirino Province Facebook page, kakatapos lang ang pagpupulong sa pagitan ni Gov. Cua at mga expert mula sa Amazon Web Services upang pag-usapan ang kanilang kolaborasyon para sa proyekto na i-maximize ang economic opportunities ng digital technology.

Ayon sa kanya, ang kolaborasyon sa pribadong sektor partikular sa mga tech firm katulad ng Amazon Web Services ay makakatulong upang masiguro na ang probinsya ng Qurino ay magbebenisyo at kikita sa technology investments nito.

Kaugnay nito, magkakaroon din ng trainings, courses and capacity-building para sa mga tao upang makita ang kanilang digital skill sets sa coding and programming.

Ang mga kakayanan na ito, ayon kay Gov. Cua ay magbubukas ng oportunidad sa kanila upang kumita.

Inihayag din niya ang planong makipagpulong pa sa ibang kinatawan ng pribadong sektor para sa iba pang posibleng kolaborasyon.

Inaasahan na matapos ang konstruksyon ng 400 WiFi Towers sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments