4,000 complaints, natanggap ng PACC sa loob ng lockdown period

Aabot na sa 4,000 reklamo ang natanggap ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) mula nang ipatupad ang community quarantine.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, karamihan sa mga reklamo ay may kinalaman sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Dagdag pa ni Belgica, ilan sa mga reklamo ay hinggil sa overpricing ng Personal Protective Equipment (PPE) at test kits.


Mayroon ding mga reklamo laban sa PhilHealth at Department of Health (DOH).

Nakakatanggap din sila ng reklamo na kinasasangkutan ng ibang ahensya, habang ang iba ay “isolated cases.”

Sa ngayon, ilan sa mga iniimbestigahan ay na-dismiss mula sa kanilang trabaho.

Facebook Comments