Masasagip ang buhay ng nasa 4,000 hanggang 6,000 indibidwal kung ang daily testing capacity ng Pilipinas para sa COVID-19 ay umabot sa 32,000.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., aabot pa lamang sa 27,000 test kada araw ang nagagawa ng pamahalaan.
Iginiit ni Galvez na ang pagpapalakas sa testing capacity ng bansa ay makakatulong sa maagang pagtukoy sa mga kaso at maiiwasan itong humantong sa pinakamalalang kaso.
Una nang sinabi ni Deputy Chief Implementer at Testing Czar na si Vince Dizon na target ng pamahalaan na maabot ang 30,000 daily test bago ang katapusan ng Hulyo.
Facebook Comments