Umabot sa 4,000 mag-aaral ang nakibahagi sa mga Community Learning Hubs na itinayo ng opisina ni Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bunga ito ng bayanihan ng OVP kasama ang mga volunteers, Angat Buhay partners at mga lokal na pamahalaan sa 58 na mga Community Learning Hubs.
Ayon kay Robredo, layon nito na bigyan ng pasilidad ang mga mag-aaral na walang access sa mga gadgets at learning materials habang ipinatutupad ang blended learning bunsod ng COVID-19 pandemic.
Para mas maraming kabataan ang matulungan ng proyektong ito, itinayo ang mga learning hubs sa Metro Manila, Isabela, Pangasinan, Pampanga, Laguna, Batangas, Rizal, Negros Occidental, Camarines Sur, sa Aklan, Quezon, at Albay sa Luzon.
Ilan lamang ito sa samu’t saring COVID-19 response initiatives ng tanggapan ni VP Leni.