4,000 na estudyante sa Gaza, inilikas matapos ang pag-atake ng Israel

Umabot na sa 4,000 estudyante ang inilikas sa Gaza matapos mapinsala ang mga paaralan mula sa mga airstrikes ng Israel.

Ayon sa United Nations Relief and Works Agency (UNRWA), magsasagawa pa ng pagsusuri ang United Nations Mine Action Service (UNMAS) sa mga imprastruktura upang matiyak kung ligtas ang mga paaralan sa mga estudyante.

Sa ngayon ay pansamantala munang mag-aaral sa UNRWA schools ang mga estudyante na mayroong iba’t ibang shift habang isinasagawa ang imbestigasyon.


Facebook Comments