Makukulay na rosas ang bubungad sa mga bisita at mag-aaral sa Umingan National High School dahil sa mga palamuting hindi aakalain na gawa ng mga mag-aaral.
Sa mga pangunahing gusali ng paaralan, hindi lang basta rosas ang makikita kundi matibay, pangmatagalan at hindi nalalantang rosas na gawa mula sa mga recycled materials.
Sa proyektong Beauty In Trash, nagkaisa ang Umingan Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Youth for Environment School Organization (YES-O) upang sama samang i recycle ang mga plastic bottles at gawing matibay at kaaya-ayang dekorasyon.
Nakatusok din sa mga plant box ng paaralan ang mga rosas kaya aakalain na talagang totoo at hindi matutukoy na gawa mula sa basura.
Pangunahing layunin ng proyektong ito ay makabawas sa basura para sa mas malinis na kapaligiran at patuloy na hikayatin ang mga kabataan na kapag sama-sama ay may magagawang kapakipakinabang para sa kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










