40,000 classrooms, target maipatayo ng DepEd bago matapos ang 2028

Target ng Education Department na maipatayo ang 40,000 classrooms bago matapos ang 2028.

Inihayag ito ng Department of Education (DepEd) matapos na madismaya sa 22 classrooms na nagawa lamang sa ilalim ng nakaraang pamunuan ng DPWH.

Ito ay dahil itinuon daw ng DPWH ang mga proyekto sa flood control at napabayaan na ang mga silid-aralan.

Iginiit din ng DepEd na dahil dito, sa taong 2026, ang pondo para sa classrooms ay ibibigay na nila sa Local Government Unit (LGUs), Armed Forces of the Philippines (AFP) Corps of Engineers, o sa pribadong sektor.

Ayon sa DepEd sa ganitong paraan, mas mapapabilis na ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

Facebook Comments