40,000 mga Chinese POGO employees, sisimulang ipa-deport sa susunod na buwan ayon sa DOJ

Tinatayang nasa 40,000 Chinese nationals na pawang mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang naririto sa bansa ang nakatakda nang ipa-deport.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at Spokesman Atty. Mico Cavano na binusisi nila ang bilang na ito ng mga Chinese nationals na mula sa 175 POGO sites na ipinasasara ngayon ng DOJ, batay sa listahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Aniya sa bilang na ito, 281 ay nasa kustodiya ng gobyerno sa Pampanga, mula sa mga isinagawang raid kamakailan sa ilang illegal POGO operations.


Ayon kay Clavano, batay sa utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi naman agad huhulihin lahat nang sabay-sabay ang mga Chinese POGO workers na ito.

Ang stratehiya aniya ay ipa-deport ang mga ito kada batch na sisimulan sa Oktubre.

Umaasa si Clavano na pagsapit ng kalagitnaan ng Oktubre ay makapag-deport na sila ng dalawang libo hanggang tatlong libong Chinese POGO employees na magpapatuloy aniya hanggang Disyembre ng taong ito.

Mahigpit na aniya silang nakikipag-ugnayan sa Chinese embassy para maging maayos ang deportation sa mga nabanggit na Chinese POGO employees na iligal na nagta trabaho sa bansa.

Facebook Comments