40,000 na residente, target na mabakunahan laban sa COVID-19 sa Maynila

Target ng lokal na pamahalaan ng Maynila na makapagbakuna ng 40,000 na mga residente laban sa COVID-19 ngayong araw.

Ayon sa Manila Public Information Office, mayroong apat na mall na may vaccine slot na kayang makapagbakuna ng tig-3,000 na mga residente.

Habang mayroon ding 18 community vaccination sites sa mga paaralan sa 6 na distrito kung saan pwedeng makapagbakuna ng 1,500 indibidwal.


Lahat ng priority groups ay maaaring pumila sa mga vaccination sites na bukas hanggang alas-8:00 ng gabi.

Tiniyak din ni Mayor Isko Moreno na hangga’t may nakapila ay magdadagdag sila ng bakuna kung kailangan.

Facebook Comments