400,000 doses ng bakuna, posibleng matanggap ng Maynila sa susunod na buwan

Inihayag ng Manila City government na bumili na rin sila ng karagdagang 400,000 doses ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno na nasa P258 million ang halaga ng mga bakuna na nabili nila mula sa Sinovac.

Paliwanag ng alkalde, hiwalay pa ito sa 800,000 doses ng bakuna na una nang binili ng pamahalaang lungsod na inaasahang darating sa buwan ng Setyembre.


Dagdag pa ni Mayor Moreno na sa sandaling maisapinal na ang detalye ay masisimulan na sa Maynila ang bakunahan sa essential worker lalo na ang mga tindera sa mga mall, palengke at mga mahihirap kabilang ang mga pedicab driver.

Facebook Comments