Pumalo sa 400,000 ang nadagdag sa bilang mga nagparehistro sa bansa para sa 2022 national election.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez, lagpas na ito sa 300,000 na inaasahan ng Comelec kasabay ng pagtatapos na sa Sabado, October 30 ng extended registration period.
Patuloy naman ang pagdagsa ng mga tao sa mga registration sites na mahigpit pa ring binabantayan ng Comelec.
Sa ngayon, naabot na ng Comelec ang target na 65 million registered voters sa bansa para sa 2022 elections kung saan 63 million ang local at 1.6 million ang overseas.
Facebook Comments