400,000 trabaho sa construction, inaasahang magbubukas ayon sa DOLE

Nasa 400,000 construction jobs ang inaasahang magbubukas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sumang-ayon ang construction industry na gawing ‘manual’ ang kanilang operasyon sa halip na gawin itong ‘mechanized.’

Aniya, muling pasisiglahin ang industriya bunga ng full implementation ng Build Build Build Program.


Nasa higit 3,000 negosyo ang nag-abiso sa DOLE ng pansamantalang paghihinto ng operasyon dahil sa public health crisis.

Sinabi ni Bello na wala pang kumpanya sa bansa ang naghain ng pagkalugi o bankruptcy pero higit 200 kumpanya ang nag-abiso na tuluyan na silang magsasara.

Nasa 2.7 million na manggagawa ang naapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.

Facebook Comments