Monday, March 23, 2026

403 na gasolinahan sa buong bansa, pansamantalang nagsara sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis

Umabot na sa 403 na mga gasolinahan sa buong bansa ang pansamantalang nagsara sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, ang nasabing bilang ay tumaas mula sa 273 na naitala noong nakaraang Linggo.

Kaugnay nito, ay ipinaabot na ng PNP ang nasabing listahan sa Department of Energy (DOE) para tukuyin kung ang nasabing pagsasara ng mga nasabing gasolinahan ay may kinalaman sa hoarding o pagtatago ng suplay at profiteering.

Sa kabuuan nasa mahigit 14,000 na gasolinahan ang mino-monitor ng PNP sa buong bansa.

Nabatid rin na may mga naisampa nang kaso kaugnay ng iligal na bentahan ng langis, hoarding at profiteering sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Eastern Samar at Albay.

Facebook Comments