Patuloy na binabantayan ang Tropical Storm Ulysses sa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at huling namataan sa layong 555 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 Kilometers Per Hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h na kumikilos pahilagang-kanluran.
Posible naming lumakas pa ang bagyo at maging Severe Tropical Storm mamayang gabi.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
Sa Luzon:
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Eastern portion ng Masbate kinabibilangan ng; Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno kasaman na rin ang Ticao at Burias Islands
Southeastern portion ng Quezon kinabibilangan ng; Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Andres at San Narciso
Sa Visayas:
Northern Samar
Northern portion ng Samar kinabibilangan ng Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao
At ang Northern portion ng Eastern Samar kinabibilangan ng; Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche at Jipapad.
Maliban sa mga nasabing lugar sinabi rin ni Pagasa Weather Forecaster Meno Mendoza na makakaranas din ng pag-ulan ang ibang bahagi ng bansa dulot naman ng Tail end of a Cold Front at ng Bagyong Ulysses.
Magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, maliban na lamang sa paminsan-misang pag-ulan dulot ng Localized thunderstorm.