MGA BAKUNANG DUMATING SA ILOCOS REGION, UMABOT NA SA 404, 680 ANG KABUUAN

Umabot na sa 404, 680 ang bilang ng mga COVID-19 Vaccine na dumating sa Ilocos Region ayon kay Department of Health-Center For Health Development Region 1.

Ang mga bakunang natanggap na ng rehiyon ay Sinovac, Astrazeneca, Pfizer at Sputnik V.
300, 980 dito ang Sinovac, 96, 400 na Astrazeneca, 35, 100 na suplay ng Pfizer at ang Sputnik V na mayroong 7, 300.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD 1 Information Officer, tumataas umano ang bilang ng mga nagpapabakuna sa rehiyon.


Sa katunayan umano lagpas 100% na ang nabakunahan sa ilalim ng A1, at patuloy din ang pagtaas sa A2 at A3.

Sa kasalukuyang datos ng DOH- CHD1,nasa 293, 682 na indibidwal ang nabakunahan na sa Ilocos Region.

Facebook Comments