407 na reklamo sa maanomalyang distribusyon ng SAP cash aid, naiparating sa DILG

Nakatanggap na ng 407 na reklamo sa National Capital Region (NCR) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng umano ay maanomalyang distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sinabi ni Diño na marami na ang nagsusumbong at sa ngayon ay umabot na sa 1,000 na Barangay ang nairereklamo na nagkakaroon ng mga problema sa pamamahagi ng ayudang pinansyal.

Kabilang sa mga sumbong ay ang kawalan ng nagbabahay-bahay para tukuyin ang mga benepisaryo.


Pinipili ang binibigyan at karamihan pa mga empleyado ng gobyerno o may kaya ang nabigyan ng cash aid.

Mabagal din ang bigayan dahil sa pamumulitika ng Alkalde at Barangay Chairman.

Aniya, nasa kamay ng mga alkalde ang pera ng SAP na nai download ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula pa noong April 3, 2020.

Para naman sa nagtatanong kung bakit hindi isapubliko ang listahan ng SAP beneficiaries, sinabi ni Diño na nasa kamay ng mga municipal treasurer ang listahan.

Hinimok ni Diño ang publiko na maging mapagbantay at agad iulat ang mga anomalya sa pamamahagi ng ayuda.

Narito ang mga numero na pwedeng  pagsumbungan  sa DSWD grievances:

0947-482-2864

0916-247-1194

0932-933-3251

O sa e-mail address na sapgrievances@dswd.gov.ph

Facebook Comments