Nasabat ang 408,000 pesos na halaga ng shabu mula sa top most wanted person sa rehiyon uno sa isinagawang buy-bust operation ng Police Regional Office 1.
Sa isinagawang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1 (Lead Unit), PDEA, RID PRO1, PDEG SOU1, PDEU Pangasinan, PIU Pangasinan, and Mangaldan MPS sa Barangay Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan nakumpiska ang nasa 60 gramo ng shabu na nakasilid sa isang plastic at isang heat sealed transparent plastic sachet.
Kinilala naman ang suspek na isang 29 anyos na lalaki mula Dagupan City, kabilang sa listahan ng Regional Top Priority Target at itinuturing bilang High Value Individual.
Tiniyak naman ni PRO 1 Acting Regional Director PBGEN Dindo R Reyes na mas paiigtingin pa ang kampanya kontra iligal na droga at magpapatuloy ang mga operasyon na naglalayong tapusin ang sirkulasyon ng iligal na droga sa loob ng rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









