40M na Pilipino, walang access sa maayos na suplay ng tubig; pagpapatupad ng water management system, iniutos ni PBBM

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa 40 million na Pilipino pa ang walang access sa formal water supply.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DENR Usec. Dr. Carlos David na karamihan sa 40 million ay naka-asa pa rin sa flowing water, creeks, at tubig ulan para sa kanilang inuming tubig.

Hindi aniya ito katanggap-tanggap para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., kung kaya’t dapat na magpatupad ng water management system.


Karamihan daw sa mga lugar na walang formal water supply ay mula sa bahaging Mindanao, habang ang iba ay mula sa mga maliliit na isla.

Dahil dito, target ng DENR na gumamit ng modular desalination system, kung saan iko-convert ang tubig dagat para maging malinis na inuming tubig.

Sa ngayon ay meron ng 65 island barangay na itinuturing ng DENR na prayoridad para sa kanilang plano.

Facebook Comments