Pormal nang nagtapos ang 40th and 41st ASEAN Summit and related summits sa Phnom Penh, Cambodia ngayong araw.
Isinagawa ang closing ceremony sa pasado ala-1:00 ng hapon sa Sokha Phnom Penh Hotel.
Sa mga miyembro ng ASEAN ang Myanmar lang ang walang delegasyon sa kakatapos lamang na ASEAN Summit.
Pinangunahan naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang delegasyon ng Pilipinas at dumalo rin sina Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Thailand Prime minister Prayut Chan-o cha, Vietnam’s Prime Minister Pham Minh Chinh, Cambodia’s Prime Minister Hun Sen, Indonesia’s President Joko Widodo, Sultan of Brunei Hassanal Bolkiah, Lao’s Prime Minister Phankham Viphavanh at Malaysia’s lower house speaker Azhar Azizan Harun.
Tinalakay sa ASEAN Summit ang iba’t ibang mahahalagang usapin may kinalaman sa pagpapaangat pa ng ekonomiya ng bawat bansang kasapi ng ASEAN.
Sa closing ceremony, ipinasa naman ni Cambodian Prime minister Hun Sen ang ASEAN Chairmanship kay Indonesia President Joko Widodo.
Ibig sabihin nito, ang Indonesia ang susunod na magho-host ng ASEAN Summit para sa susunod na taon.