41-anyos na lalaki, nalunod habang sinasagip ang alagang aso

306
Stock photo from Asia Net News

Nalunod ang isang 41-anyos na lalaki habang inililigtas ang alagang aso sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Wala nang buhay at palutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang katawan ni Ellenor Resalote noong Miyerkules ng umaga.


Ayon sa Dapitan City police, naliligo sa ilog ang biktima kasama ang hayop at mga kaibigan nang biglang tangayin ng rumaragasang tubig.

Pinilit daw sagipin ng lalaki ang aso pero hindi na siya nakabalik pa.

Napag-alaman din na nakikipag-inuman ang biktima sa mga kabarkada nito bago mangyari ang insidente. Nilinaw naman ng pulisya na hindi nalasing ang grupo.

Sinubukan siyang iligtas at hanapin ng mga kasamahan subalit malamig na itong bangkay nang madiskubre.

Nakita naman buhay ang alagang aso ng lalaki at lumabas sa medical report na walang naganap na foul play sa biktima.

Facebook Comments