41 centenarians sa ARMM, nakatanggap ng tig P100,000!

39 na centenarians mula sa lalawigan ng Maguindanao at at 2 naman galing sa probinsya ng Lanao del sur ang nakatanggap ng tig P100,000 mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-ARMM).
Maliban sa “Cash Gift”, bibigyan din ng pagkilala at iba pang insentibo ang naturang centenarians.
Itinatadhana ng Republic Act 10668 o “Centenarian Act of 2016” ang pamimigay ng P100,000 sa mga mamamayan ng bansa na umabot ng 100 taon pataas and edad.
Napag-alaman na 83 centenarians ang nabigyan din ng tig P100,000 cash gift ng DSWD-ARMM noong December, 2017.

Facebook Comments