
Apatnapu’t isang overseas Filipino workers (OFWs) ang kasalukuyang naghihintay ng repatriation mula Qatar.
Tiniyak ng Philippine Embassy na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga awtoridad ng Qatar upang mapabilis ang pagpapauwi sa mga apektadong OFWs.
Ayon sa embahada, ang mga naturang Pilipino ay nasa pangangalaga na nito habang inaayos ang kanilang repatriation.
Tiniyak din ng Philippine Embassy na mas paiigtingin pa ngayong taon ang mga hakbang para sa agarang pagpapauwi at pagtulong sa mga distressed OFWs sa Qatar.
Facebook Comments










