
Mayroon pang karagdagan at susunod na batch na 41,000 na mga guro ang nakatakdang ma-promote sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa Department of Education (DepEd), Ito’y sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) system na ipinatupad sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara matapos na ma-promote ang nasa 16,025 teachers.
Mayroon pang 41,183 teachers na na-process at naipasa na sa Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na batch ng promosyon.
Kasunod nito, naniniwala ang Civic group sa pangunguna ni Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia mula sa Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Peoples Alliance for Democracy and Reforms na mahalaga ang promotion dahil hindi lang ito usapin ng ranggo o sahod dahil isa itong patunay na matatag ang pampublikong edukasyon sa bansa.










