41 katao, patay matapos masunog ang isang simbahan sa Egypt

Patay ang 41 katao habang 14 ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang simbahan sa Giza, Egypt.

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog dakong alas-nuebe ng umaga kahapon bunsod ng electrical failure sa isang air conditioning unit sa ikalawang palapag ng simbahan.

Nagresulta ito sa pagkakarahang ng bukana ng simbahan dahilan para maganap ang isang stampede ng 5,000 kataong dumalo sa misa sa Abu Sifin Church.


Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga nasawi ay pawang mga kabataan kung kabilang din dito ang isang pari.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Egyptian President Abdel Fattah El Sisi sa pamilya ng mga biktima at inatasan ang mga kaukulang ahensya upang tugunan ang nangyari trahedya at magbigay ng kalinga sa mga nasugatan.

Facebook Comments