Sugatan ang nasa apatnapu’t isang katao na pasahero kabilang ang driver ng isang bus habang binabagtas ang bulubunduking bahagi ng Naguilian, La Union noong gabi ng Huwebes.
Ayon sa imbestigasyon, ibinangga ng driver ang bus sa isang arko sa Burgos, La Union upang hindi mahulog sa bangin.
Nagmula umano ang bus sa Baguio City patungong San Fernando City, La Union.
Matapos ang insidente, winasak ng ilang pasahero ang mga bintana ng bus upang makalabas.
Inabot ng dalawang oras ang mga rumespondeng personnel upang marescue ang mga biktima at agad nadala sa pagamutan na nagtamo ng minor injuries at ang Ilan ay kailangang maoperahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









