41 mag-aaral sa isang paaralan sa Albay, tinamaan ng hand-foot-and-mouth disease!

Aabot sa 41 estudyante sa Albay sa Bicol Region ang tinamaan ng hand-foot-and-mouth disease (HFMD).

Ayon kay Albay Provincial Health Office Sanitary Engineer William Sabater, ang mga naturang mag-aaral ay mula sa Albay Central School.

Agad namang isinailalim sa disinfection ang nasabing paaralan, habang sinuspinde ang pagsasagawa ng face-to-face classes.


Sa ngayon, magsasagawa na ng information, education, communication at orientation ang Albay-PIO sa Albay Central School Faculty, kung paano maiiwasan at makokontrol ang HFMD.

Facebook Comments