41 na lugar sa bansa, inilagay sa highest COVID-19 alert ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kalahati ng 37,000 o 58.3 percent ng COVID-19 beds sa bansa ang okupado na.

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 41 na mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng highest COVID-19 alert classification o Alert Level 4.

Aniya, hindi malabong may mga lungsod na punuan na ang mga ospital dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.


Kasabay nito, hinikayat ng DOH ang mga Local Governments Unit (LGU) at mga ospital na maglaan ng kama para sa mga severe at critical COVID-19 patients.

Habang ang mga asymptomatic cases o mga may mild symptoms ay maaaring dalhin sa mga isolation facilities.

Facebook Comments